What makes a winner?

What makes a winner?

Successful people do things that those unsuccessful people hate to do. Kaya pag tiningnan mo si Pedro, he walked with God on the water because he did something those other disciples were afraid to do. David was being put down and mocked by his brother Eliab, but he was up for the challenge to fight Goliath, something that those warriors were scared to do.

This is the logic: if a success will be achieved easily, e di sana maraming winners, sana maraming mayaman. Pero hindi e. Talagang may paraan ang buhay para alamin kung talagang gusto mong mangyari ang isang bagay. Ako ay naniniwala na ang lahat ay pwede at posibleng mangyari when you pour out your heart, your soul, your energy into something. Kaya minsan ayaw kung humanga sa mga magagaling kumanta, or mag acrobat, or yung mga disabled na magagaling mag gitara at kumanta, bulag na magaling mag drawing, pilay na magaling gumawa ng mga kung ano-ano sa pamamagitan ng paa. Paano nila nagagawa yon? Dahil sinanay nila ang kanilang mga sarili. Kaya magtataka ka minsan, yung mga may kapansanan pa ang magagaling dumiskarte na yung mga walang deformities sa katawan, naku walang kaalam-alam sa buhay.

It also applied to a business. Kung lahat na lang ng negosyo ay bakery, computer shop, tindahan, karinderya, pare-pareho na lang. In order to succeed, you must think of something many are afraid or failed to do. I heard that a son of a famous President of the Philippines decided to start doing ‘garbage business’. Ang kanyang business philosophy: “may pera sa basura”. He gained millions by doing we all hate to do. Ginawa niya ang mga bagay na ayaw gawin ng nakakararami.

I used to work in a big bank in Manila and the founder of that bank started his business after the World War II. People were saying there will not be any business because everything was in ruined. But he went on to do something he was passionate about. He gave his best shot. His name is Go Kim Pah, the founder Equitable Bank who had many branches in the Philippines until it was acquired by the PCI Bank and subsequently by Banco De Oro.

To be successful, you may be doing something which is contrary to popular belief. Even the owner of the big real estate in the Philippines, Jose Antonio, said he is a contrarian. He always does the opposite.  Pag papunta ang masa sa kanan, pakaliwa sya. It means that he takes charge of himself as the master of his own fate. Sometimes, you must not always go with the flow.  He went on to become one of the richest men in the Philippines.

Mike Murdock said: “A successful life is expensive; it will cost you something to become a champion”. There is a cost to succeed. Are you ready to win? Then at all cost, do it and pay for it!

 

Life is short. Let’s enjoy life to the full. We don’t have much time.

Life is short. Let’s enjoy life to the full. We don’t have much time.

What is your life? For you are a mist that appears for a little time and then vanishes.

James 4:14

It is always good to have big dreams and aspirations but let us not forget that life is too short not to celebrate the nice moment and miss out being really happy. Kaya maganda din sa tao ang may panahon maging masaya dahil hindi natin hawak ang bukas. Let us not put off on things we enjoy the most.

Love those people who truly love and care for you while they are still alive. Maganda din may panahon tayo mahalin ang mga tao nagmamahal sa atin at hayaan na lang na yung mga naninira at hindi naniniwala sa ating kakayahan. Maganda nga yan e, may mga kontrabida sa buhay mo. Yan ang magsisilbing hamon sa iyo para mas maging matatag ka at lalong magsikap. Alam mo bang sumikat na bida noong 1980s si Fernando Poe dahil kay Paquito Diaz na kontra bida? Mas maganda sa pelikula ang mga kontrabida para pag nagtagumpay ka, magpapasalamat ka na kung hindi dahil sa kanila, hindi mo nalaman ang tunay na lakas mo. But because of your detractors, you believed that all things are possible and you can do thing you never knew was possible.

Do not live with regrets. Life is too short to live in mediocrity. In the Bible, there was a boy named David who learned to kill small beasts like lions and bears but he remained as a shepherd boy. He understood that principle that if he is to be hailed as a king, he needs to do something better, so he went on to kill a giant Goliath! Do not live in regrets and fear. Peter could have stayed in the boat with other trembling disciples, but he said to himself that it’s now or never. It’s either I stay or I become brave to step out of the boat and walk on the water with Jesus. Wow!

What’s stopping you? Fear, maybe? Everyone has fear even those who are on the top of their career and amassed great wealth. But one thing I learned from them is that they never allowed fear to dictate their future. Most people are paralyzed by fear so they don’t do anything. They remain to wherever they are because they are afraid of the result. But I am encouraging you today to take charge of your life. If you allow fear to get into your system, it will limit your full potential. Don’t die with all those gifts, talents and skills that God has given you. Discover yourself and know what you are truly made of.

Imagine the strong wind that destroys many trees and houses could be the same the wind that was mastered by eagles to fly above the horizon? They are not scared of strong winds because they know that the stronger wind can take them higher. In short, it is mastery of fear that we need to have. Lahat naman tayo ay mga takot sa buhay, ngunit kelangan natin lakasan ang ating loob at magbaka sakali na magtagumpay tayo. Of course, there will always be a chance na mabigo or matalo ka, ganyan talaga. Life gives no guarantee of success. You can only try and hope for the best. What if you succeed? What if you make it? Paano kung nagtagumpay ka? Tama ang sabi ni genius Solomon:

Sow your seed in the morning and do not be idle in the evening, for you do not know whether morning or evening sowing will succeed, or whether both of them alike will be good. Ecclesiastes 11:6

He also said in the succeeding verse: If a man should live many years, let him rejoice in them all, and let him remember the days of darkness, for they will be many…Ibig sabihin maraming alalahanin at problema ang buhay…ngunit hindi dapat natin kalimutan magsaya kung panahon ng pagsasaya, dahil maikli ang buhay para malungkot lagi. Life is too short. Enjoy life while you have it.

In Psalms 90:12, the Bible said:  So teach us to number our days that we may get a heart of wisdom.

Pag alam mong hindi ka magtatagal sa mundong ibabaw, magkakaroon ka ng focus at mas magiging structured ang pananaw mo. Ibig sabihin ko ay mas magkakaroon ka ng better appreciation about life itself. Magkakaroon ka ng karunungan na pasalamatan ang buhay dahil buhay ka pa at pwede mo pang gawin ang mga bagay na gusto mo. At anumang problema mo ngayon, may katapusan din yan. Hindi yan forever. Habang may buhay ay may pag-asa kang mabago ang iyong buhay for the better.

 

 

 

Family is everything

Family is everything

There was a quote I read that says: “Family is an anchor during rough water”. Ang pamilya natin ang ating fortress from any attacks of the enemy. Let our children and loved ones be safe and secured once they are home. Let them know that you are there for them and are ready to defend and protect. Don’t hurt our family but love them and care for them. Let them know that home is their safe haven. Tama na ang turuan at sisihan. Tandaan natin, ang kahihiyan nila, ang baho nila, kahihiyan at baho mo din. Wala tayo magagawa, siya ang itinakda sa atin para maging pamilya natin.

I was watching a documentary about the penguins who can withstand the extreme cold weather condition. Sobrang lamig pero itong mga penguins they survive. Then I found out that it is because they huddle together with their family to keep warm. In the same way, ganyan din ang tao, nagiging malakas lang naman tayo dahil may pamilya tayo who are ready stand bydby us, help us, assist us and to even sacrifice for us. Do not forget them who were there for you just for you to be there wherever you are right now.

Kahit anong success ng isang tao, but money and success mean nothing if we let our family fails. Meron akong kilalang sikat na politiko, pero hanggang ngayon hinahayaan nya pa din ang nanay nya nagtitinda sa palengke. Hindi man lang nya magawan ng paraan na maiangat ng konte ang antas ng kanilang pamumuhay.

Sa maraming tao na aking nakausap na at naturuan, I always remind them to make their family as their top priority. Nothing should come first, other than God of course, than our family. Kung nakakatulong tayo sa iba, mas maging matulungin tayo sa ating mga pamilya. I saw a sign that says: Friend, Boyfriend, Girlfriend have those ‘end’ but a family is forever. Lagi kung sinasabi na ang tulong ng iba ay laging may hangganan at limitasyon, ngunit ang pamilya kelanman nandiyan sila para sa iyo. They will always choose to love you and understand you even when you are no longer loveable and believe in you even when you don’t even believe in yourself.

Also, don’t be too busy that you forget to enjoy your kids and your spouse. Sila ang dahilan bakit tayo nagsisikap sa buhay. Otherwise, bakit pa? Para saan ba itong pagpapakamatay natin sa pagtatrabaho, di ba para sa kanila ito? Pero kung wala ka pa ring time para sa kanila dahil sobrang busy ka, maybe you have to re-evaluate your priorities.  I encourage you to see you children grow up, be a part of their upbringing, play with them, laugh with them, give them a bath, brush their teeth, take them or pick them up from school, read books for them, be there for them. Because one day, they will leave home dahil magsisilakihan na sila. Samantalahin mo hanggat bata pa sila, pag medyo tumanda na yan, baka ikaw na mismo ang magmamakaawa sa kanila na bigyan ka ng panahon or dalawin ka. We as parents must sow a seed of loving care to our children, when we grow old, they may also pay us back by looking after us as well. Alam ng mga bata kung paano tayo nagsikap at nagpakahirap para sa kanila, kahit buhay nila kaya nilang ibigay para sa atin dahil ibinabalik nila ang mga nagawa natin sa kanila.

May mga tao na may panahon sa barkada pero walang panahon sa pamilya. Mas gusto pa kasama sa saya ang ibang tao kesa sa pamilya. Yung iba pa, madamot sa pamilya, pero pagdating sa iba napakabait, matulungin at palabigay. Pero noong nagkaroon sya ng malaking problema at nagkasakit, wala naman yong mga kaibigan nya pero yung pamilya nya andun para alalayan sya habang nagpapalakas sya. Tandaan mo, sa ibang tao ikaw ay ibang tao, pero sa pamilya mo, ikaw ang pinakamahalagang tao para sa kanila. Mag-away man kayo, magbangayan, magtalo, pero sa huli kayo ay pamilya at mananatili ang pagmamahal sa isat-isa. Family is everything.

Tatanda at lilipas ka din

Tatanda at lilipas ka din

I know someone who arrived London as a tourist but decided to be “TNT”. Mahirap sila noon sa Pilipinas kaya noong nakatikim ng medyo malaking kita, nagpapadala sya ng halos P100,000 a month sa family nya. Maraming mga kapitbahay nila ang humanga dahil gumanda ang buhay nila. Ayon nagkaroon ang mga anak nya ng latest smart phones, new shoes, new watches at magagarang damit. Palaging nasa mga masasarap na kainan: Jollibee dito, Mcdo doon, Starbucks dito, pacoffee-coffee doon. Nag deposit agad sila ng isang bahay sa isang subdivision at isang magandang kotse. One day, nadakip si OFW at napauwi ng wala sa oras, lahat ng luho ng kanyang pamilya nahinto at lahat ng kanilang mga gadgets naibenta ng wala sa panahon otherwise wala na sila kakainin at naremata ang kanilang bahay at kotse na hinihulugan sa bangko.

Maraming Pinoy ang nakaka relate dito. Bagamat hindi natin sinasabi na huwag mag enjoy sa buhay but be mindful sa pera dahil hindi araw-araw malakas tayo. It is our responsibility to remind our family to value the money you are sending them. Ang dahilan kaya maraming mga OFWs ang umuuwing lumuluha dahil wala silang pera madadala. Hindi sila nakaipon at iyong kanilang mga pamilya sa Pinas hindi rin nakaipon kase akala nila palaging malakas ang pagkita.

The Bible is clear: “people are destroyed because they lack knowledge…” Maraming tao ang kulang sa karunungan, kasama na dito ang kawalan ng karunungan sa pananalapi. Dumadaan na lang sa palad ang pera ngunit hindi man lang nae-enjoy ito.

We need to be financially literate as times fly so fast dahil napakabilis ng panahon. When I say to be ‘financially literate’ does not mean you need to study accountancy or masteral degree in business. Kelangan lang maging matalino sa paghawak ng ating mga kinikita. Dahil hindi mo namamalayan, ilang taon na pala ang lumipas, ito na at naglalabasan na ang iyong mga uban sa buhok, ang iyong balat ay puro kalyo na sa kaka trabaho, at medyo madali ka ng mapagod, may mga kumikirot na sa katawan at palaging nahihilo. Sign of aging.  Kung hindi tayo magiging marunong sa pera, tatanda tayong dukha at kawawa. Babalikan mo na lang ang mga taon na iyong ipinag trabaho sa abroad, maganda ang kita noon ngunit dahil naging busayak tayo (or ang pamilya natin) sa mga biyayang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos, nawala na parang bula. Yon ang masakit na katotohanan. Na habang ang iyong mga kasabayan noon sa abroad, ngayon sila ay namamahinga na at pa holi-holiday na lang, pero ikaw ay kelangan maghanap ng mapapagkakitaan para lang makaraos at kumain araw-araw.

Eto pa ang masakit sa buhay ng OFW, mabango ka lang hanggang may pera ka. But the moment you don’t have anything to give, it is possible that some of your friends and even family members (sad but true), will no longer have time to care for you. Yon ang masaklap. Kaya kung ako sa inyo, mag iipon ako para sa pagtanda ko. Nobody is responsible for my future and retirement, but myself. Kung hindi ako, sino? Sino ang magsisikap para sa akin? Kung hindi ngayon, kelan pa? Kelan pa ako magsisimula maging masinop sa mga blessings na meron ako ngayon? Kelan pa ako magsisimula mag-ipon, mag-invest, sumubok ng ibang paraan para palaguin ang aking pera. Tandaan mo, kahit magkano ang iyong ipadala, palaging kulang ang pera. Hindi kelan man magkakasya yan!

Now, I am encouraging you to start being wise with regards to money, otherwise baka makasama ka doon sa mga OFW na umuuwing lumuluha dahil umalis ng wala, bumalik sa Pinas after years of working abroad na wala pa rin.

The wealth of the rich is their fortress; the poverty of the poor is their destruction. -Proverbs 10:15 NLT

Or are you returning with great expectation that all your hard works and sacrifices paid off? Yes, nagpakahirap pero may disiplina, umiyak pero naging marunong. If you do, you will be enjoying the rest of your remaining years with confidence and quality, knowing that you are financially stable, your family are secured dahil you know na kahit matanda ka na, kupas ka na, lipas na sa panahon at kahit lumisan ka sa mundo, naihanda mo na ang kinabukasan nila.

 

Discontentment can destroy

Discontentment can destroy

There is a saying: “if one is not contented in one place will not be contented in another”. There is truth in it dahil ang tao na hindi marunong ma kuntento kung ano mang meron sya ngayon, kahit kelan hindi sya makukuntento dahil laging may kulang. Of course, this is not to say na hindi na tayo mangarap ng mas mataas. But to be thankful of whatever we have right now.

There was a quote in the Bible that says: “I have learned to be content whatever the circumstances.  I know what it is to be in need, and I know what it is to have plenty. I have learned the secret of being content in any and every situation, whether well fed or hungry, whether living in plenty or in want. I can do all this through him who gives me strength”. Philippians 4:11-13

Maganda din sa tao ang laging may pasalamat sa buhay dahil hindi naman sa lahat ng oras ay lagi mong nakukuha ang gusto mo. Minsan may mga pagsubok at mga problema, but those are just tests for you to pass. Those trials and problems are made for a purpose: to strengthen you and to take the best out of you.

There is a song: “I thank you Lord for the trials that come my way…” although some theologians believe it is inviting problems, but in my personal opinion it is not, because the problem is inevitable, hindi maiiwasan. Pero kahit sa problema, sakit at sakuna, kaya ko paring sambitin ang pasasalamat sa Diyos.

Alam mo bang si Lucifer (also known as Satan) ay hindi pinatawad ng Diyos dahil sa paghahangad ng mas mataas. He always wanted more. Some people say that discontentment is a sin and it destroys a person. From discontentment, papasok dyan ang pride, ang pagmamataas at kayabangan.

I remember what Benjamin Franklin said: “discontentment makes a rich man poor and a poor man rich”.

Yong iba, kahit sobrang dami na ng pera, pero ang feeling wala pa din sila. Pero yong iba naman, kahit nagtitinda lang ng balut at chicharon, masaya sila kahit maliit lang ang bahay at kokonte ang meron sila. Anong pagkakaiba? Contentment.

Another form of discontentment is when you count the blessing of others instead of your own. Maraming tao ang ganito, palaging nakikita ang ganda sa buhay ng iba, ngunit nakalimot na marami din syang mga blessings sa buhay nya. Being contented is also thanking God for those unanswered prayers dahil there are many other blessings na ibinigay sa iyo ng Lord without you asking. Start to see yourself as lucky and blessed because you are loved by God. You are His masterpiece. You are unique and is called” the apple of God’s eyes.” So learn to be content. Oo, may mga problema at lagi yang kasama sa buhay, but above all these things, there are still many things you can thank God for: your family, your health, your friendship, your relationship, your job, your safety, you can eat whatever you like now, you can go to wherever you want to go now, you can see, you can smell, you can hear, you can touch, you have a good digestive system and are able to go to the toilet! Yes, I am also grateful that I am able to pooh (sorry for those of you eating) but there are people who walk with a plastic bag in their tummy for their “human waste”. Therefore I would thank God dahil hindi ako ganoon.

Forever, I would count myself blessed. I will feel content with whatever I have right now. I will not compare myself to others because the comparison can steal my joy. I will thank God that I am alive. Contentment is a virtue. Learn to be contented.

Help your family to help you

Help your family to help you

There are many people and particularly OFWs who later revenge their habit of being too much generous that in the end they end up hating their family together.

Bakit? Sa sobrang dami nilang naipadala na, wala pa ring naipon. Kahit gaano kalaki ang maipadala mo, laging kulang ang pera. Ang mahirap kase yung namihasa or nawili na sila sa Pilipinas na tumatanggap na lang ng mga remittances or money transfer na hindi na din sila natutong magbanat ng buto. Tama ang research ng isang sikat na university sa Pilipinas na ang mga OFWs din pala ang dapat sisihin dahil sila ang nagturo sa mga pamilya nilang maging parang linta or parasites. Hindi ako ang may sabi nyan!

There was a saying: “Give a man a fish and he will live for a day. Teach him how to fish and he will live for many years to come”.

If you want to have a better life ahead while you are in the peak of your earnings, o maganda pa ang pagkita, huwag maging sobrang palabigay na hindi na rin natuto ang ating mga pamilya na maging responsible sa kanilang mga sarili. Kase ang buhay ay parang isang makina: oo gumagana yan ngayon pero one day, babagsak yan, masisira at hihinto. Ganyan din ang ating mga katawan. Kahit anong lakas mo ngayon, tandaan mo na hindi yan forever. Mag-ipon ka rin para sa sarili mo at sa iyong pagtanda. No one is responsible for your future but yourself. Ikaw din lang naman ang dapat mag-isip para sa kinabukasan mo.

Kung may mga anak ka na pwedeng mag-alaga sa iyo, ok yan. Pero tandaan mo, ang mga anak mo ay pwedeng magbago dahil nagkaroon ng asawa na hindi ka gusto because of many reasons. Iba na ang panahon ngayon. Buti sana kung aalagaan ka nila pagtanda mo, paano kung hindi? Ang panahon ngayon ay hindi na gaya ng dati. Hindi mo pwedeng iasa ang iyong pagtanda sa iba kahit na sa anak mo. You are responsible for your life.

Kaya tama ang ginagawa ng iba na sa halip pera palagi ang pinapadala, tinuruan nilang mag-ipon ang kanilang pamilya para makaadhika ng isang negosyo, a small business or kahit isang tricycle or isang lugawan, or sari-sari store. This is how we teach our family that they stop being financially dependent but the opportunity to stand for themselves. Sooner, all of you will be in a better position financially and mentally dahil lahat kayo ay independent sa isa’t-isa.

Love yourself first

Love yourself first

Maraming tao ang parang mali ang interpretation sa kasabihan: “love your neighbors as you love yourself.” That cliché comes from the Bible. Although it says loving others, but it does not mean for us to neglect ourselves. Kaya minsan ang maraming tao ay puro na lang pagmamahal sa iba pero nakakalimutan na nila ang kanilang mga sarili.

Tingnan mo ang buhay ng napakaraming OFWs (Overseas Filipino Workers). Marami sa kanila ang sobrang sipag at sobrang tumulong sa kamag-anak. Of course, there are times when financial assistance is an obligation due to sickness and death. Pero marami ang nagiging tamad at nagiging palaasa na lang sa mga nasa abroad. But these OFWs forget themselves kaya tingnan mo sa Manila airport, hindi mo na alam kung sino ang galing sa abroad. Yung mga sumusundo, ang gaganda ng mga kutis at blond pa mga buhok, ang mga kamay ang gaganda puro naka manicure. Pero tingnan mo yong mga galing abroad, sila yung tumanda na ng sobra, puro kalyo ang kamay, at minsan hindi man lang nakasuklay.

Loving yourself is not because you are selfish. It is necessary for you to love others more. You can only give love, when you have love for yourself.

A person who keeps loving others but disregarding himself will soon find that he has nothing left. The moment na wala ka na maibigay sa kanila, unti-unti na ring nawawala ang mga taong kanina ay iyong natulungan. Tapos sa bandang huli, sila din ang kawawa because they loved too much to the point they’ve got nothing for themselves. Kaya tama ang message ng isang kanta: “too much love will kill you…”

I always advise people to also take care of themselves. Hindi masamang tumulong pero it is also necessary na magkaroon din tayo ng pagmamahal sa ating sarili. Kaya dapat nga tayo we dress good, we eat good, we act good because we love ourselves. Kelangan din natin damitan ang ating mga sarili ng mga magaganda at bagong damit, hindi dahil kelangan natin magmaganda sa iba but because we like ourselves. Hindi pagyayabang na paminsan-minsan, you are pampering yourself for things you like the most. Minsan masyado tayo palabigay pero madamot tayo sa ating mga sarili.

Do not abuse yourself. There was a saying in the Bible: “You realize, don’t you, that you are the temple of God, and God himself is present in you? No one will get by with vandalizing God’s temple, you can be sure of that. God’s temple is sacred—and you, remember, are the temple.” – 1 Corinthians 3:16

When you know that you are the temple or a place of worship, you will not do anything to destroy your body. There was this story my professor in graduate school told us about the goose and a golden egg. Every day this goose lays a golden egg. The farmer was so happy that he gets one golden egg every single day. He becomes so rich and well-known in all the town. But he became impatient. One day, he decided to take the goose to the kitchen, got a knife and cut the goose’s tummy to get the upcoming golden egg. But to his surprise, the goose died and there were no more golden eggs.

This is the same thing with our lives. If we do not take care of ourselves, just like the goose, we won’t be producing any ‘golden eggs’. We are the goose. If we kill ourselves, we won’t be able to be productive. Take care of yourself because it is your job, nobody else. If you love yourself, others will love you in return. If you love yourself, you can love others more because that love comes from you first. You cannot give what you don’t have.